HONDA BEAT.
Before talaga ayoko ng motor. gaaawds. laking impluwensya lang ang pagtambay ko sa shop namin dahil isang araw na lang naiinggit na ako sa mga nagpapagawa don at sa mga magagandang motor nila.
tapos naaasar na ko sa mga girls na may motor din na pinapagawa. akala nila sila lang ha! #inggiteraangPeg. HAHAHAH. thank you pops kay beaty. kahit kanina nasira ko agad yung plate cover dahil nakadkad ako sa gate. HAHAHAH
super wow talaga isang araw lang Pink na siya! NYAHAHAHAHA! :3 di ko kasi nakunan last night ung original color niya. nasunod naman lahat ng gusto ko kay beaty. Maglalaro lang sa kulay niya ay pink at black. ayoko ng lagyan ng sticker pero ang cute nung “KAREN” na pinagawa nina papa. Mwahohoho.
thank you papa! :> beaty for real! End Sub
Finally. Natapos na din ang matagal ng pinakahihintay ang beach party session ng barkada. aigoo. hindi man kami kumpleto pero sinulit na rin naman kahit papano yung stay dun. thank you sa mga nakasama ko ng boung 24hours na yon sa isang maliit na kubo na may dalwang kama at umaapaw na banyo. HAHAHA
wala pa akong balita sa mga pictures kaya text post na lang muna. :)) kung titignan parang nakatira lang kami doon. BWAHAH. kakain ng sabay - kwentuhan - kain ulit- asaran - tulog - tawanan. grabe. #bangyaw :))
at syempre yung open forum na naganap ng lights off ~ HAHA. lights off talaga daw para intense. :)) ok din naman na may nangyaring open up sa grupo. don na nalabas lahat ng sama ng loob. both positive and negative na nakikita sa bawat isa. sana tuloy tuloy na tong tight bonding. no more hard feelings and such! :> fight guys. malalampasan natin lahat to! :> thank you sa oras na binigay niyo para sa outing na to! :> Mga hambog kayo at pare-pareho ding mga gago. HAHAAH! :) end sub
Yay! mother’s day gift naman for mom. yung kapatid ko nagsulat nung mini letter. ginawang tropa si mama gawa nung “dude” BWAHAH. pero nung binigay namin ki mama. super sweet ng reaction niya. yun kasi yung pangtulog na dress na gusto ni mama sa isang supermarket na hindi niya nabili nung huling punta namin.
kala namin ih nabili na buti may natira pang isa. at saktong sakto naman! haha :”> we love you mom so much. oh baka magselos si papa. mahal ka din namin. Bwahah! :3
tapos yesterday. wala akong magawa. maiba naman. nagpunit punit ako ng mga damit. marami pa akong pupunitin pero nagtry lang ako ng isa. Monster shirt! HAHAAH. :”> Hello DIY SHIRT! xDD LEWLS. end sub
YOU’LL BE DEAD - F4
ang nakasulat sa kinatatakutang Red Card sa Ying De University. HAHAHAHAHA - sinong makakalimot ng super fever na dinulot nila? HAHAHA. i admit. okay? isa ako sa mga tumitili sa mga member ng group na to. isa din ako sa mga nagsaulo ng mandarin songs kahit hindi ko alam ang meaning. isa din ako sa mga sumubaybay sa meteor garden tuwing hapon, umiiyak, tumatawa, kinikilig sa eksena nila shan zhai, dao ming shi at hua zi lei (lewls basta sila yun HAHA).
Grabe lang naalala ko nung first year HS. tuwing dismissal sa likod ng school sa tindahan ni na edna. nagkakagulo kami dahil isa sa classmate ko may dalang episode guide ng meteor garden 1. lahat kami nakapila para lang magpaphotocopy ng mga yon! HAHAHAAH.
nagaagawan kami sa stickers. posters at laging out of stock yung mga magazines sa newsstand kung may irerelease man na ang cover ay ang F4. :)) nakakatawa mang isipin pero kahit papano. ang saya kapag naaalala mo. ang buhay kabataan. sila ang nagpaumpisa ng lahat lahat ng yan. may nauna mang ipalabas na chinese drama katulad ng amazing twins. iba pa din yung impact ng meteor garden na to. commercial pa lang nagiiritan na. HAHAHAHA.
kung sa iba man, ang baduy dahil may mga collections pa ako ng F4 pero para sa akin memorable lahat ng to. :> iilan na lang siguro kaming may tinatagong kabaduyan + kabaliwan sa buhay. and proud na naranasan ko ang makipagsiksikan para lang magkaroon ng collectibles nila. HAHAHAHA. grabe talaga. natutuwa ako. share lang! :> umamin kana, kahit papano nakiF4 ka din nun eh! :p end sub
Behold. Your Ms. Hoarder! HAHAHA. I’m a hoarder. ngayon ko lang na let go yang mga gamit na yan. mga hand outs from my first college. Lyceum Calamba from Trace College sa LB. kanina bago ko ilagay sa kahon yung mga handouts ko from calamba. sabi ko “parang ayoko siyang itapon. HUHUHU.”
nanlaki lang mata ni mama kasi masyado na nga akong maraming tinatagong mga papel na hindi naman nakakatulong sa bahay. Hindi ko na nga siya binuksan from plastic kasi baka may itago pa akong handout.
hahaha. bago ko pa maletgo ilang taon ko ding tinago dun din pala aabot pero ok na din mas maluwag na yung mga lagayan ko ngayon. yung iba nilinis ko na lang tapos nilagyan ng magazine.
hoarder talaga atih niyo. receipt. ballpen. papel. balat ng kendi. buhok. butones. hahaha. tapos yung mga memo pad na sinulatan ng mga friends. halos lahat nasa akin. Hindi ko alam kung bakit pero may memories kasi sa mga yun kaya tinatago ko.hahaha.
pero simula ngayon, babaguhin ko na yun. grabe. sobrang hirap maglinis kapag super hoarder ang peg. maglet go na agad ng maaga ng mga bagay kapag pinatagal pa masyadong mahirap i-let go. HAHAHA. well not only on things but also sa mga tao sa paligid. nothing is permanent naman eh! Fighting! end sub
Hello May! please be good. i wonder what’s in store for me this month. :> is it sweet? HAHAHA. been very busy playing tetris. :)) tama lang naging decision after school na magadik sa mga games games na yan. at sa ugali kong pwedeng ipagpalit ang dapat gawin sa hindi naman importante. HAHAHA. ~
Nagbeach kami last sunday. and it was fun. nagkaproblem lang sa unang beach resort dahil sa reservation pero mas worth it sa napuntahan namin. unlimited all. HAHAHA :> it’s a family bonding with some family friends from work. :>
nagseatrip kami para sa mga coral reefs na yon na di na makita. HAHA. wrong timing yung sakay namin sa bangka dahil ang taas na ng tubig. 8ft na yung nasa coral reefs kaya di na din kami bumaba. not dizzy during the trip pero yung after nun at pagbaba ko sa bangka. saka naman nagkandahilo hilo. :)) it’s a nerve-cracking experience eh. ang likot pa ng alon. :> wanna try again pero mas maaga para makababa sa corals! weee ~LOL.
business muna this month. ireready na din ang resume . ako na lang ang hinihintay. HAHAH. i want to spend this summer muna bilang tambay. so how does it feel to be tambay? “well. tambay lang. laro tetris. laro sa mga aso. linis bahay. kaen tulog. play ng gitara. nagaaral na rin sa keyboard. load business. very productive ang pagiging tambay ko noh! alter ego! hahaha“
perfect timing ang lahat ng ginagawa dahil wala na masyado iniisip :> pahinga muna ng utak and maybe next month. wait. definitely next month. i will come back home with bunch of pasalubong! :> aza aza Fighting! end sub
Graduation Day - araw na pinakahihintay ng mga studyante. lalo na ang mga parents. HAHAH. isa ito sa patunay na lahat ng challenges during school ay nalampasan. bawat isa sa atin siguro naman nilolook forward yung event na to.
thank you sa aking mga magulang na walang sawang magtrabaho para lang masuot ko yung itim na toga. :) napakasarap sa pakiramdam yung makita ka nila na umakyat ng stage para tanggapin yung diploma.
mamimiss ko ba ang school? DUH! oo naman! yung isa sa mga pinakamagandang nangyari sa buhay ko ang maexperience ang pagpasok. ang mga pressure. ang frustrations. ang failures. ang saya. kaba at adrenalin rush.
lahat ata ng emotions umiikot dito. lahat tayo mag kwentong eskwelahan. :) napakaswerte ko dahil nabigyan ako ng pagkakataon na makapagaral sa magandang schools. kaya dapat kayanin natin lahat! wala namang ibibigay na task na hindi natin kaya ih! magtiwala lang sa sarili! :)
Congrats batch 2012! hindi ko akalain na mapapamahal ang year na to saken! :> thank you so much Lord God for everything! para po sa inyo ang Diploma ko. :>
Hindi ka talaga pababayaan ng efforts mu. :> HUHUH. nakikita niyo ba to? yung TOGA ko? nakakaiyak diba? ang sarap sa feeling na makita ng parents mo yung toga na itim. parang nabasa ko sa mukha nila yung relief na finally. may nakatapos na saming magkakapatid.
tapos na din yung mga school pressures. pero aminado ako na mamimiss ko yun. (things that I will miss during school days as bulleted)
- 8am ang start ng klase. 7:30 ka nagising tapos 1 hour ang byahe. Define Adrenalin Rush.
- Magdamag ka lang sa webosphere tapos pagpasok mo kinabukasan “oh. quiz” SHOOOT!
- dapat sanay na ko dito pero yung kaba na nararamdaman ko during recitation mapa oral man o written. sweat hands alert.
- Pressure na pagaaral during exams kasabay yung mga programs na dapat ipasa.
- Ang mga Lab Exam na lagi akong palpak ~ pero kapag exercises naman okay naman TgT HAHAHAHAH
- pagpupuyat para sa system. define Puyat yon ha! plus hunger plus water therapy plus PANDA EYES O.O
- late kana nagising wala ka pa palang plantsa na uniform
- nakalimutan ang id pero sasabihin na nasa bag lang. kaya sasabihin ng guard “pakisuot nga po” - “okay manong!” *smiling face*
- nakakainis pero nakakatuwa, chechekin ang bag mo, papabuksan tapos TUTUSUKIN LANG. fishball? fishball? :))
- nasa lab exercises ka biglang magtetext si OSA “can you please drop by at my office now. etc etc etc.” HAHAHAHA. “sir, excuse po tawag lang ako ni osa”
- ung pressure sa organization na hindi ko maappreciate nung una pero nasanay na din ako.
- tambay sa bookstore kapag vacant ~
- excitement sa mga ECA, cheering every second semester, CCS DAYS, tapos yung mga biglaan na activities na dapat salihan ng ORG. define Hagardness
- tambay sa library para lang magpalamig at magpatuyo ng basang kili kili. HAHAHA
- pagbili ng shi-nga-ling at cracklings sa gilid sa labas ng TRACE. sting at fishballs sa TRACEVille.
- ang Shanghai with egg sa MyF Cafe.
- Tambay sa WAG (Wifi Area Gilid) hanggang gabi, hinahantay yung last dismissal ng mga truepa.
- mga ngiti. mga greetings. tawa. bonding moments. tambay sa room kasi wala ang prof. mga kalokohan
nasa isip ko, after graduation ano ng gagawin ko? I know i have to find a job pero pagdating ng June. wala na akong ilolookforward na pasukan. hindi ako mamromroblema bumili ng ballpens, notebook at kung ano pa. hindi na mamromroblema ng pagplantsa ng uniform kada weekends. wala ng assignments para magkopyahan. aral for quizzes and exams. wala ng school pressure. sa tagal mong nagstay sa pagaaral, hindi mo ba yun mamimiss? ibabaon ko ng buhay ang hindi makakamiss ng mga panahon na todo aral at effort tayo para sa magandang kinabukasan. CHOS.
I WILL MISS SCHOOL. everything about it. schoolmates, professors, yung campus, sina ate at kuya genserv sina manong guard. part sila ng isang magandang college life. :> thank you so much!
Anyhoo. (biglang segwayan) nanuod na naman kami ng sine kanina. ako si mac at si jeem. paunti na ng paunti ang hambogs sa galaan? HAHAAHAH. picture namin sa BUS.:> end sub
Hours ago. ginanap yung career seminar and Graduation Dinner. Isang araw ang lumipas na puno ng excitement, Experience at Tuwa + Tawa. Mga bagay na pwede mong itago sa room of memories. Lewls. Anyhoo. I can say na hindi ako nagsayang ng almost 5 hours sa career seminar.
and super much ang gitla ko kanina dun sa mock interview. tsss. hindi ko alam kung anung mga sinabi ko. kung pwede lang akong mawala na parang bula kanina. nagawa ko na agad nung tinawag pa lang ang pangalan ko. Fuuuuudge. but let’s just drop that scene like a hot potato and let it roll down to forgotten “please delete this scene” moment of my life. HAHAHA.
and then here comes the best-est, happiest and pure of laughter’s and smiles. Thank you for this wonderful day and night with my co-graduates. i was hesitant to attend this event but it proved that it was something worth giving time off :>
LEWLS SUB-TOPIC
kaso meron nga lang akong fail moments na ang dami ko pa naman ding plano.wala kaming picture together diba? hahaha. fuuuudge. i hate myself for that. >.< but on a second thought. hmmm. pwede naman diba?. kung gusto din niya magkapicture kami. he’ll wait naman pero hindi. HAHAHA. sorry saken. lewls. end sub
Yesterday was my first time magsine with some Hamboogs. :’> hindi ako nasama before because of some personal reasons. which is akin na lang? HAHAHAHA. anyhoo. it was a fun fun night with them and the wrath of the titans is a must watch!
feeling ko ang ingay ko sa loob. puro “aaaahh. shit.”, “ayy!”, “shooot!” HAHAHAAH. super carried away sa mga scenes na labanan! OHMAYGAD DIBA? :)) napaisip tuloy ako. paano kaya kung half goddess ako?
hahaha. magttraining din ako kasama nina percy jackson at pupunta din sa olympus tssss. pero naiisip ko. goddess naman talaga ko. “CHOS.” HAHAHAH.
tapos kumain din kami sa food court! super Burp naman ihh! :> thank you Regine and Mac! :)
ang cute nga ni pegasus eh pero hindi ko sinabi na magiging half pegasus ako. DUH! :3 end sub