YOU’LL BE DEAD - F4

ang nakasulat sa kinatatakutang Red Card sa Ying De University. HAHAHAHAHA - sinong makakalimot ng super fever na dinulot nila? HAHAHA. i admit. okay? isa ako sa mga tumitili sa mga member ng group na to. isa din ako sa mga nagsaulo ng mandarin songs kahit hindi ko alam ang meaning. isa din ako sa mga sumubaybay sa meteor garden tuwing hapon, umiiyak, tumatawa, kinikilig sa eksena nila shan zhai, dao ming shi at hua zi lei (lewls basta sila yun HAHA).

Grabe lang naalala ko nung first year HS. tuwing dismissal sa likod ng school sa tindahan ni na edna. nagkakagulo kami dahil isa sa classmate ko may dalang episode guide ng meteor garden 1. lahat kami nakapila para lang magpaphotocopy ng mga yon! HAHAHAAH.

nagaagawan kami sa stickers. posters at laging out of stock yung mga magazines sa newsstand kung may irerelease man na ang cover ay ang F4. :)) nakakatawa mang isipin pero kahit papano. ang saya kapag naaalala mo. ang buhay kabataan.  sila ang nagpaumpisa ng lahat lahat ng yan. may nauna mang ipalabas na chinese drama katulad ng amazing twins. iba pa din yung impact ng meteor garden na to. commercial pa lang nagiiritan na. HAHAHAHA.

kung sa iba man, ang baduy dahil may mga collections pa ako ng F4 pero para sa akin memorable lahat ng to. :> iilan na lang siguro kaming may tinatagong kabaduyan + kabaliwan sa buhay. and proud na naranasan ko ang makipagsiksikan para lang magkaroon ng collectibles nila. HAHAHAHA. grabe talaga. natutuwa ako. share lang! :> umamin kana, kahit papano nakiF4 ka din nun eh! :p end sub

  1. reyesmarv reblogged this from unnieren
  2. lielithepooh reblogged this from unnieren
  3. unnieren reblogged this from sikarenpo
  4. sikarenpo posted this